Ayon sa ulat kahapon, Huwebes, ika-19 ng Marso 2020, ng lalawigang Yunnan sa timog kanlurang Tsina, hanggang sa kasalukuyan, naiahon sa kahirapan ang lahat ng mga mamamayan ng 9 na etnikong minorya sa lalawigang ito.
Ayon pa rin sa ulat, hanggang noong katapusan ng 2019, bumaba sa 365 libo ang populasyon sa Yunnan na nasa labis na kahirapan, at ito ay halos sangkapito ng bilang noong katapusan ng 2015. Samantala, sa mahigit 35 libong labis na mahirap na nayon sa lalawigang ito, naiahon ang mahigit 31 libo.
Salin: Liu Kai