Magkakahiwalay na ipinadala kahapon, Sabado, ika-21 ng Marso 2020, ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, ang mensahe ng pakikiramay kina Pangulong Emmanuel Macron ng Pransya, Chancellor Angela Merkel ng Alemanya, King Felipe VI ng Espanya, at Pangulong Aleksandar Vucic ng Serbia, kaugnay ng epidemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa kani-kanilang bansa.
Ipinahayag din ni Xi ang pagsuporta ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino sa naturang mga bansa sa paglaban sa COVID-19.
Nakahanda ang Tsina, na palakasin ang pandaigdig na kooperasyon laban sa epidemiya, dagdag pa niya.
Salin: Liu Kai