Sa panayam kamakailan sa National Public Radio ng Amerika, sinabi ni Dr. Giuseppe Remuzzi, Direktor ng Mario Negri Institute for Pharmacological Research ng Italya, na ipinaalam sa kanya kamakailan ng mga doktor sa Lombardy, administrative region sa hilagang kanlurang Italya, na noong unang dako ng Disyembre o katapusan ng Nobyembre, nadiskubre nila ang mga pasyenteng may bihira at napakalubhang pneumonia.
Ani Remuzzi, ayon sa impormasyong ito, may posibilidad, na kumakalat na noong panahong iyon ang coronavirus sa Italya, bago pa man naiulat ang epidemiya sa Wuhan, Tsina.
Matatandaang ang pinakamaagang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ay natuklasan noong Disyembre 8, 2019, sa Wuhan.
Salin: Liu Kai