|
||||||||
|
||
Dumating kahapon, Sabado, ika-21 ng Marso 2020, sa Maynila ang mga kagamitang medikal, na ibinigay ng Tsina sa Pilipinas laban sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Ang naturang mga materyal ay kinabibilangan ng 100 libong coronavirus test kit, 100 libong surgical mask, 10 libong N95 mask, at 10 libong personal protective equipment.
Sa seremonya ng paglilipat sa paliparan, ipinahayag ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang pasasalamat sa Tsina.
Tumpak at mabisa aniya ang mga hakbangin ng Tsina laban sa epidemiya.
Sa harap ng epidemiya, dapat magtulungan ang iba't ibang bansa, sa halip na batikusin ang isa't isa, dagdag ni Locsin.
Sinabi naman ni Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa Pilipinas, na noong naharap ang Tsina sa napakalubhang kalagayan ng epidemiya, ipinahayag ng pamahalaan at iba't ibang sirkulo ng Pilipinas ang pagsuporta sa Tsina, at ibinigay din ang mga tulong.
Hindi ito aniya nalilimutan ng pamahalaan at mga mamamayang Tsino.
Nakahanda naman ang Tsina, na tulungan ang Pilipinas, para pagtagumpayan ang kahirapang dulot ng epidemiya, dagdag ni Huang.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |