Mahigit 210 libong trabaho ang ipinagkaloob sa online job fair na sinimulan noong ika-2 ng Marso 2020, ng Yangshipin, video app ng China Media Group.
Ito ay ayon sa datos na inilabas ng naturang plataporma kahapon, Lunes, ika-23 ng Marso 2020.
Ayon pa rin sa estadistika, nitong 21 na araw na nakalipas, inilabas ng halos 3,200 kompanya ang mga video promotion sa Yangshipin, at mahigit 750 libong resume naman ang ipinadala sa pamamagitan ng platapormang ito.
Karaniwang sinisimulan tuwing Marso ang recruitment season sa Tsina. Pero dahil sa ipinatutupad na mga hakbangin sa maraming lugar ng bansa bilang pagpigil at pagkontrol sa COVID-19, hindi puwedeng idaos ngayon ang mga malaking pagtitipun-tipong gaya ng job fair.
Salin: Liu Kai