|
||||||||
|
||
Nang kapanayamin ng mamamahayag ng China Media Group (CMG), ipinahayag ng mga lider ng mga bansang Aprikano na isinagawa ng Tsina ang malakas na hakbangin upang pigilan ang pagkalat ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19). Sa kasalukuyan, dapat magkaisa ang buong daigdig para labanan ang epidemiya, sa halip ng stigmatisasyon ng Tsina.
Ipinahayag ni Lia Tadesse, Ministro ng Kalusugan ng Ethiopia na ang COVID-19 ay hamon na kinakaharap ng buong daigdig.
Sinabi ni John Nkengasong, Puno ng Africa Center for Disease Prevention and Control (Africa CDC) na dapat magtulungan ang komunidad ng daigdig para pigilan ang epidemya, hindi husgahan at maliitin ang isa't isa.
Pinapurihan ni Mohammed Idris Farah, Embahador ng Djibouti sa Unyong Aprikano, ang hakbangin ng Tsina sa paglaban sa COVID-19, dapat pag-aralan ng Aprika ang karanasan ng Tsina, saad niya.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |