|
||||||||
|
||
Kaugnay nito, sinabi kahapon, Martes, Marso 24, 2020, ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na sinasamantala ng iilang politikong Amerikano ang bawat okasyon at paraan, para iugnay sa Tsina ang Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), at siraang-puri ang Tsina. Ito aniya ay ikinagagalit at tinututulan ng mga mamamayang Tsino.
Sinabi rin ni Geng, na ang panig Amerikano ang pasimuno ng pagtatalo sa Tsina tungkol sa pinanggalingan ang COVID-19. Aniya, unang sinabi ng panig Amerikano na nagmula sa Tsina ang COVID-19. Dagdag niya, noong ika-6 ng buwang ito, lantarang ginamit ni Pompeo ang "Wuhan virus," at pagkaraan nito, paulit-ulit ding ginamit ng ilang pang mga politikong Amerikano ang terminong ito o ang "Chinese virus."
Binigyang-diin din ni Geng, na dapat agarang itigil ng ilang politikong Amerikano ang mga paninira sa Tsina. Ang kasalukuyang pinakamahalagang tungkulin ng panig Amerikano ay pagpigil at pagkontrol sa pagkalat ng COVID-19 sa sariling bansa, at paggawa ng pagsisikap, kasama ng Tsina at komunidad ng daigdig, para magbigay ng ambag sa pandaigdigang kooperasyon laban sa sakit na ito.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |