Ayon sa ulat kahapon, Martes, ika-24 ng Marso 2020, ng pamahalaang munisipal ng Beijing, naitala nitong Marso 23 sa Beijing ang isang kaso ng pagkahawa ng lokal na residente ng Coronavirus Disease 2019 (COVDI-19) mula sa kanyang kapitbahay na galing sa ibang bansa at nag-positibo sa sakit nang bumalik sa Tsina. Ito ang kauna-unahang ganitong kaso sa Beijing.
Pagkaraan nito, ipinatalastas ng pamahalaang munisipal ng Beijing, na simula ngayong araw, Marso 25, isasagawa ang centralized quarantine at virus test sa lahat ng mga pasaherong dadating ng Beijing mula sa labas ng bansa.
Salin: Liu Kai