Dadalo si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, sa espesyal na summit ng G20 hinggil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na gaganapin sa Marso 26, sa pagtataguyod ng Saudi Arabia, kasalukuyang tagapangulong bansa ng G20, at sa pamamagitan ng video conference.
Kaugnay nito, sinabi ngayong araw, Miyerkules, ika-25 ng Marso 2020, ni Ma Zhaoxu, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang G20 ay mahalagang plataporma para sa pagharap sa mga pandaigdig na krisis at pangangasiwa sa kabuhayan. Umaasa aniya ang panig Tsino, na patitingkarin ng nabanggit na pulong ang mahalagang papel, para sa pagharap sa pagkalat ng COVID-19, at pagpapatatag ng kabuhayang pandaigdig, sa pamamagitan ng pagpapalakas ng pagkakaisa, pagtutulungan, at pagkokoordinahan sa paglaban sa sakit na ito.
Salin: Liu Kai