|
||||||||
|
||
Buong tatag aniyang sumusuporta ang panig Tsino sa panig Aleman sa paglaban sa COVID-19, at patuloy na magbibigay-tulong sa abot ng makakaya.
Tinukoy din ni Xi, na ang COVID-19 ay komong hamon sa buong sangkatauhan.
Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng iba't ibang panig na kinabibilangan ng Alemanya, na ilabas ang signal ng pagkakaisa at pagtutulungan sa paglaban sa COVID-19, para limitahan ang epekto nito sa iba't ibang bansa at buong mundo.
Ipinahayag naman ni Merkel, na sa kasalukuyan, malubha ang kalagayan ng COVID-19 sa Europa.
Pinasalamatan niya ang Tsina sa pagbibigay ng napapanahon at mahalagang tulong.
Umaasa aniya siyang isasagawa ng dalawang bansa ang mas maraming kooperasyon sa paglaban sa sakit na ito.
Dagdag pa ni Merkel, dapat patingkarin ng G20 ang namumunong papel para pagtagumpayan ang kasalukuyang krisis at patatagin ang kabuhayang pandaigdig.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |