Isasahimpapawid, alas-8 ngayong gabi, Huwebes, ika-26 ng Marso 2020, ng China Global Television Network (CGTN) ang bagong episode ng live program na "Global Epidemic Consultation Room," para sa pagpapalitan ng mga karanasan sa pagbibigay-lunas sa may-sakit ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Sa episode na ito, ibabahagi ng 6 na doktor na Tsino, na minsa'y nanguna sa paglaban sa COVID-19, sa mga doktor mula sa Indya, Pakistan, Kanada, Britanya, Lebanon, at Iran, ang hinggil sa paggamit ng Tradisyonal na Medisinang Tsino (TCM) sa pagbibigay-lunas sa mga may-sakit.
Ang programang "Global Epidemic Consultation Room" ay kilala ngayon sa buong mundo.
Sapul nang ilabas ito noong Marso 11, lumampas na sa 9.2 milyong person time ang manonood ng mga episode.
Salin: Liu Kai