Sa isang panayam sa media kamakailan, hindi na ginamit ni Pangulong Donald Trump ng Amerika ang salitang "Chinese Virus."
Kaugnay nito, ipinahayag Marso 25, 2020, ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na, buong tatag na tinututulan ng Tsina ang istigmatisasyon sa epidemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), at umaasa ang Tsina, na makikilahok ang Amerika sa magkakasamang pagharap ng komunidad ng daigdig sa epidemiya ng COVID-19 at pangalagaan ang kaligatasan ng pampublikong kalusugan ng mundo.
Salin:Sarah