|
||||||||
|
||
Sinabi ni Xi, na sapul nang maganap ang epidemiya ng COVID-19, napapanahong ipinababatid ng Tsina sa World Health Organization at mga bansang kinabibilangan ng Amerika ang mga impormasyon. Ibinabahagi rin aniya ng Tsina ang mga karanasan sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiya at pagbibigay-lunas sa mga may-sakit, at ipinagkakaloob ang tulong sa mga bansang may pangangailangan. Ipagpapatuloy ng Tsina ang mga gawaing ito, para labanan kasama ng komunidad ng daigdig, ang epidemiya, dagdag ng pangulong Tsino.
Sinabi rin ni Xi, na maraming komong palagay ang narating sa G20 Extraordinary Leaders' Summit on COVID-19. Umaasa aniya siyang ipapatupad ang mga bunga ng summit, para magbigay ng lakas sa pandaigdig na kooperasyon laban sa sakit na ito, at pagpapatatag ng kabuhayang pandaigdig.
Bilang tugon sa pagtatanong ni Trump, isinalaysay ni Xi ang mga hakbangin ng Tsina sa paglaban sa COVID-19. Ipinahayag din niya ang pagkabahala sa kalagayan ng epidemiya sa Amerika.
Ipinahayag din ni Xi ang pag-asang, isasagawa ng Amerika ang mga aktuwal na aksyon, para pabutihin ang relasyon sa Tsina, at palakasin ang bilateral na kooperasyon sa paglaban sa COVID-19.
Binigyan naman ni Trump ng positibong pagtasa ang talumpati ni Xi sa espesyal na summit ng G20.
Ikinatutuwa ni Trump ang pagtamo ng Tsina ng positibong progreso sa paglaban sa COVID-19. Ang karanasan ng Tsina sa paglaban sa epidemya ay tunay na nakamumulat ng kanyang isipan, dagdag niya.
Sinabi ni Trump, na pasusulungin niya ang kooperasyong Amerikano-Sino sa paglaban sa COVID-19. Pinasalamatan din niya ang Tsina sa pagkakaloob ng mga materyal na medikal sa Amerika, at pagpapalakas ng kooperasyon ng dalawang bansa sa pagtuklas ng gamot para sa sakit na ito.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |