|
||||||||
|
||
Hinahangaan ni Xi ang Saudi Arabia sa pagtataguyod ng espesyal na summit ng G20 bilang tugon sa COVID-19. Binigyang-diin niyang, dapat palakasin ng mga kasapi ng G20 ang pagkakaisa, pagkokoordinahan, at pagtutulungan, para pigilin ang pagkalat ng sakit at patatagin ang kabuhayang pandaigdig.
Pinasalamatan din ni Xi ang pamahalaan at iba't ibang sirkulo ng Saudi Arabia sa pagsuporta at pagbibigay-tulong sa Tsina, pagkaraang maganap sa bansa ang epidemiya ng COVID-19. Nakahanda aniya ang Tsina, na suportahan at tulungan ang Saudi Arabia sa paglaban sa sakit na ito.
Ipinahayag naman ni Salman, na ang tagumpay ng Tsina sa pagkontrol sa COVID-19 ay positibong signal sa daigdig. Umaasa aniya ang Saudi Arabia, na palalakasin, kasama ng Tsina, ang pagpapalitan at pagtutulungan para sa paglaban sa sakit na ito.
Dagdag ni Salman, ipagpapatuloy ng Saudi Arabia at Tsina ang koordinasyon at kooperasyon sa loob ng G20, para tulungan ang daigdig na pagtagumpayan ang kasalukuyang krisis.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |