Ayon sa datos ng Johns Hopkins University, hanggang alas-5 kahapon ng hapon, local time, umabot sa 100,717 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa Amerika. Kabilang dito, halos 20,000 ang bagong naitala kahapon.
Samantala, 1,544 naman ang pumanaw sa sakit na ito sa Amerika.
Nang araw ring iyon, nilagdaan ni Pangulong Donald Trump ng Amerika ang panukalang batas bilang pampasigla sa kabuhayan, na nagkakahalaga ng 2 trilyong Dolyares. Ito ay pinakamalaking halaga na naisabatas sa kasaysayan ng Amerika.
Salin: Liu Kai