Kaugnay ng pagsasabatas ng Amerika ng "Taiwan Allies International Protection and Enhancement Initiative (TAIPEI) Act of 2019," ipinahayag kahapon, Biyernes, ika-27 ng Marso 2020, ng Komite sa mga Suliraning Panlabas ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina, na labag ito sa prinsipyong Isang Tsina, tatlong magkasanib na komunike ng Tsina at Amerika, pandaigdig na batas, at saligang norma sa pandaigdig na relasyon.
Ito rin ay pakikialam sa suliraning panloob ng Tsina, at nagpapadala ng maling signal sa separatistang puwersang naninindigan sa "pagsasarili ng Taiwan," dagdag ng nabanggit na komite.
Hinimok naman ng Ministring Panlabas ng Tsina ang panig Amerikano, na huwag ipatupad ang naturang batas, at huwag hadlangan ang pagpapaunlad ng iba't ibang bansa ng daigdig ng relasyon sa Tsina.
Salin: Liu Kai