Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagdududa sa kalidad ng mga produktong medikal mula sa Tsina, aktibong tinutugunan ng panig Tsino

(GMT+08:00) 2020-03-31 08:41:28       CRI
Kaugnay ng pagdududa ng ilang bansang gaya ng Pilipinas, Slovakia, at Netherlands sa kalidad ng mga kagamitang medikal mula sa Tsina, ipinahayag kahapon, Lunes, ika-30 ng Marso 2020, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na mabilis na tinugunan ng mga embahadang Tsino sa mga may kinalamang bansa ang isyung ito.

Anya, ayon sa inisyal na imbestigasyon, wala pang natuklasang problema sa mga kagamitang medikal na ipinagkaloob ng panig opisyal ng Tsina at binili mula sa kuwalipikadong tagapagsuplay na inirekomenda ng panig opisyal ng Tsina.

Sinabi ni Hua, na sa kasalukuyan, ipinahayag ng maraming bansa ang pangangailangan, upang bumili ng mga produktong medikal mula sa Tsina. Abalang-abala aniya ang maraming pabrika sa paggawa ng mga ito, para tulungan ang mga bansa sa pagliligtas ng buhay. Totoo ang katapatan at kagustuhan sa pagtulong ng panig Tsino, diin ni Hua.

Dagdag niya, kung may problema sa prosesong ito, umaasa ang panig Tsino, na maayos na lulutasin ang isyu batay sa katotohanan, at hindi gagawin ang interpretasyong pampulitika.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>