|
||||||||
|
||
Ipinahayag Marso 30, 2020, ni Tedros Adhanom Ghebreyesus, Pangkalahatang Kalihim ng World Health Organization (WHO) na ang pangako na ipinalabas kamakailan ng G20 Group ay nagpapakita na nagkakaisa ang buong daigdig para magkakasamang harapin ang epidemiya ng COVID-19.
Ipinahayag nang araw rin iyon ni Michael J. Ryan, namamahalang tauhan ng Pangkagipitang Proyekto ng WHO na sa kasalukuyan, ipinatutupad ng mga bansa ang lockdown. Pero hindi sapat ito, kailangang patuloy na hanapin ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 at isagawa ang isolation para pigilan ang pagkalat ng virus.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |