|
||||||||
|
||
Idinaos ngayong araw, Abril 4, 2020 sa Tsina ang Pambansang Pagluluksa para sa mga nasawi sa epidemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19). Nanguna sa pakikidalamhati si Pangulong Xi Jinping, kasama ang iba pang mga lider na Tsino.
Alas-10 ng umaga, inialay ng 3 minutong katahimikan ng sambayanang Tsino. Samantala, bilang hudyat sa pagsisimula, sumirena ang mga bus, tren, at bapor, at tumunog ang mga air-raid alarm. Kasabay nito, sa Araw ng Pagluluksa, nasa kalahating tagdan o half-mast ang pambansang watawat sa buong Tsina at mga pasuguan at konsulada ng bansa sa ibayong dagat. Suspendido ang lahat ng mga aktibidad ng paglilibang sa buong bansan.
Sa paglaban sa epidemiya ng COVID-19, 14 na katao na nasawi sa frontline ang pinarangalan bilang martir, pinakamataas na pambansang karangalan sa mga nagbuwis ng buhay para sa bayan. Kabilang sa unang batch ng mga martir sina Wang Bing, Feng Xiaolin, Jiang Xueqing, Liu Zhiming, Li Wenliang, Zhang Kangmei, Xiao Jun, Wu Yong, Liu Fan, Xia Sisi, Huang Wenjun, Mei Zhongming, Peng Yinhua, at Liao Jianjun. Nagsilbi sila bilang tauhang medikal, pulis at trabahador ng mga komunidad.
Ngayong araw ay Qingming Festival, tradisyonal na kapistahang Tsino bilang pag-alaala sa mga yumao.
Hanggang hating gabi ng Abril 3, sa Chinese mainland, 3,326 na ang nasawi dahil sa COVID-19. Ang epidemiya ng COVID-19 ay ang pangkagipitang pangyayari ng kalusugang pampubliko na pinakamabilis na kumakalat, pinakamalawak na nahahawa, at pinakamahirap na pinipigil, sapul nang itatag ang Republika ng Bayan ng Tsina noong 1949.
Salin: Jade
Pulido: Mac
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |