|
||||||||
|
||
Sa paanyaya ng pamahalaan ng Pilipinas, lumapag sa Manila Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong hapon ang Chinese Anti-epidemic Medical Expert Team, sakay ng isang chartered flight.
Sinalubong sila nina Secretary Teodoro L. Locsin Jr. ng Department of Foreign Affairs (DFA), Secretary Martin Andanar ng Presidential Communications Operations Office (PCOO), Secretary Alfonso G. Cusi of Department of Energy (DOE), Embahador Huang Xilian ng Tsina sa Pilipinas at iba pa.
Sa kanyang mensaheng panalubong, ipinahayag ni Locsin ang taos-pusong pasasalamat sa mga doktor Tsino.
Sinabi niyang ang Covid-19 ay isang bagong virus, at ang tanging makakatulong sa Pilipinas ay ang mga doktor Tsino.
Ngayon, dumating na sila at magbabahagi ng mahalagang karanasan sa Pilipinas, malaki ang posibilidad na mapupuksa ang epidemiya ng COVID-19 sa lalong madaling panahon, dagdag ng kalihim.
Sa kanya namang hiwalay na talumpati, sinabi ni Huang Xilan, Embahador ng Tsina sa Pilipinas, na mayroong isang kasabihan, "a friend in need is a friend indeed."
Sa panahon ng krisis, lagi aniyang kaagapay ng mga mamamayang Tsino ang mga kaibigang Pilipino.
Ang nakararaming doktor sa grupong medikal na ito ay dating mga front liner sa lalawigang Hubei, at umaasa aniya siyang sa tulong ng mayamang karanasan ng mga doktor Tsino, mapapataas ang kakayahan ng Pilipinas sa pagpigil ng epdemiya at paggamot sa mga may-sakit.
Ang nasabing medical expert team ay binubuo ng 12 espesyalista sa mga larangang sumasaklaw sa critical care medicine, respiratory at infectious disease control, internal medicine, microbiology labortary at iba pa.
Kasama nilang dumating sa Manila ang ika-3 batch ng medical supplies na donasyon ng pamahalaang Tsino, gaya ng 20 ventilator, 5000 Personal Protective Equipment, 30,000 N95 mask, 300,000 surgery mask, 5000 medical isolation shield.
Bukod dito, ibibigay rin ng mga non-governmental organization ng Tsina ang iba pang 12 toneladang medical supplies na kinabibilangan ng traditional Chinese medicine.
Ayon sa ulat ng Department of Health (DOH), sa susunod ng ilang araw, pupunta ang Chinese medical team sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM), Philippine General Hospital (PGH), Lung Center of the Philippines, San Lazaro Hospital, Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital (DJNRMH) para magbahagi ng karanasan laban sa COVID-19 at magbigay ng tulong teknikal.
Ang 12 espesyalistang Tsino ay ang mga sumusunod:
1 Mr. Zheng Huiwen, Director-General Level Executive Official accompanying the Delegation
2 Mr. Weng Shangeng, Vice President, The First Affiliated Hospital of Fujian Medical University (FAHFMU)
3 Ms. Cai Xiaoying, Deputy Director Level Executive Official accompanying the Delegation
4 Mr. Zhuo Huichang, Associate Chief Physician, Critical Care Medicine, FAHFMU
5 Mr. Xiao Xiongjian, Physician-in-Charge, Critical Care Medicine, FAHFMU
6 Ms. Li Hongru, Associate Chief Physician, Department of Respiratory and Critical Care Medicine, Fujian Provincial Hospital (FPH)
7 Mr. He Jinyi, Nurse, Hospital Infection Management Department, FPH
8 Ms. Ye Ling, Chief Physician, Clinical Integration of Traditional Chinese and Western Medicine (respiratory), Fujian People's Hospital Affiliated to Fujian University of Traditional Chinese Medicine (FPHAFUTCM)
9 Mr. Lin Guoqing, Associate Chief Physician, Internal medicine of Traditional Chinese Medicine, FPHAFUTCM
10 Ms. Hou Yangqing, Nurse-in-Charge, Critical Care Medicine, FPHAFUTCM
11 Ms. Wu Bingshan, Deputy Director Technician, Microbiology Laboratory, Fujian Provincial Center for Disease Control and Prevention (FPCDCP)
12 Mr. Cai Shaojian, Associate Chief Physician, Infectious Disease Control, FPCDCP
Reporter: Sissi Wang
Web editor: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |