Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Opinyon] Pagtulong sa kapuwa, kultura ng Tsina at komong responsibilidad ng anumang bansa sa panahon ng krisis; hindi heopolitika

(GMT+08:00) 2020-04-05 16:10:15       CRI

Rhio Zablan

Sa paanyaya ng pamahalaan ng Pilipinas, dumating ngayong araw sa Manila ang grupo ng mga anti-epidemic medical expert mula sa Tsina upang tumulong sa laban ng Pilipinas kontra sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).

Ang nasabing grupo ay binubuo ng 12 espesyalista sa mga larangang sumasaklaw sa critical care medicine, respiratory at infectious disease control, internal medicine, microbiology labortary at iba pa.

Kasama nilang dumating sa Manila ang napakaraming medical supplies na donasyon ng pamahalaang Tsino, at kabilang dito ang 20 ventilator, 5000 Personal Protective Equipment, 30,000 N95 mask, 300,000 surgical mask, at 5000 medical isolation shield.

Bukod dito, ibibigay rin ng mga non-Governmental organization ng Tsina ang 12 toneladang medical supplies sa Pilipinas, na kinabibilangan ng Traditional Chinese Medicine.

Ayon sa Department of Health (DOH), sa susunod ng ilang araw, pupunta ang Chinese medical team sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM), Philippine General Hospital (PGH), Lung Center of the Philippines, San Lazaro Hospital, Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital (DJNRMH) para magbigay ng technical guidance at magbabahagi ng karanasan tungkol sa pag-iwas at pagkontrol sa epidemiya, implementasyon ng pampublikong polisiya, panggagamot at iba pa.

Kasabay ng patuloy pa ring domestikong pakikipaglaban ng Tsina kontra sa epidemiya ng COVID-19, pilit itong nagpupunyagi upang saklolohan at resolbahin ang mga problemang kinakaharap ng maraming bansa sa daigdig na ngayon ay ginugupo ng epidemiya.

Ito ang kontribusyon ng Tsina sa pakikipagdigma ng buong sangkatauhan laban sa COVID-19, at isang malalim na dahilan kung bakit kailangang itatag ang "KOMUNIDAD NG PINAGBABAHAGINANG KINABUKASAN PARA SA BUONG SANGKATAUHAN."

Ngunit sa kasamaang palad, may mga bansa, organisasyon at ilang personalidad sa Pilipinas, at sa iba pang dako ng mundo na nagpupumilit baluktutin ang katotohanan at binibigyan ng masamang kulay ang pagtulong ng Tsina sa maraming bansa, partikular, ang ilang opisyal Amerikano.

Nariyan ang pagkakalat ng tsismis na "mababang klase" raw ang mga medikal na donasyon ng Tsina; nariyan din ang isyu na itinatago di-umano ng Tsina ang tunay na bilang ng mga nagkakasakit at namamatay dahil sa COVID-19; nais di-umanong kontrolin ng Tsina ang mundo, at ang pagbibigay ng tulong ay isang heopolitikal na paraan upang marating ang layong ito; at marami pang nakakatuwa ngunit nakakabuwisit na kathang-isip ng mga taong may malinaw na adiyendang politikal at wala namang pakialam sa kapakanan at buhay ng kanilang mga nasasakupan.

Isang malinaw na halimbawa rito ay ang nangyayaring delubyo sa Amerika, na siya ngayong may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa daigdig at isa sa mga bansang may pinakamaraming namamatay araw-araw dahil sa sakit na ito.

Ayon naman sa datos ng Johns Hopkins University, hanggang alas otso 8 ng gabi, kagabi, local time, 308,850 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Amerika, at 8,407 naman ang mga namatay.

Pero, sige pa rin sila sa pag-atake sa Tsina, sa halip na magpokus sa pagsagip ng buhay ng kanilang mga mamamayan.

Sa Pilipinas, pinatunayan ng Tsina na hindi totoo ang mga alegasyon at tsismis na kumakalat.

Sa IPINADALANG MENSAHE, Marso 29, 2020 ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque kay Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa Pilipinas, sinabi niyang:

"Hi! There is nothing wrong with the REAL TIME-POLYMERASE CHAIN REACTION machine which is used for generating positive or negative result as the case may be! Again your Test Kits BGI and SANSURE BIOTECHNOLOGY are very good and up to the standards as those which were donated by WHO and approved by our RITM. AGAIN OUR GRATITUDE AND APPRECIATION TO YOU AND THE CHINESE Government."

Ang mensaheng ito ay opisyal na paglilinaw ni Duque sa preskon na idinaos ng DOH, Marso 28, 2020.

Sa naturang preskon, sinabi ni Assistant Secretary Maria Vergeire, "sa mga pinadala sa amin na test kits from China na nakapagpakita ng 40 percent accuracy - hindi po natin ito ginamit dahil nakita na mababa ang accuracy natin dito. Kaya ito na lang po ay ating itinago."

Pero, ayon sa klaripikasyon ng DOH, ang dalawang batch ng mga test kit na opisyal na ibinigay ng pamahalaang Tsino sa pamahalaang Pilipino, na kinabibilangan ng 2,000 REAL TIME-POLYMERASE CHAIN REACTION TYPE (RT-PCR) na gawa ng Beijing Genomics Institute (BGI) at 100,000 RT-PCR type na gawa ng Sansure Biotechnology ay SUMAILALIM SA PAGSUSURI ng Research Institute of Tropical Medicine (RITM) at napatunayang AT PAR o SIMBISA ng mga test kit na nagmumula sa World Health Organization (WHO).

Dagdag pa riyan, ang mga test kit na opisyal na donasyon mula sa Tsina ay pumasa rin sa pagsusuri at may aprubasyon ng National Medical Products Administration (NMPA) ng Tsina.

Ayon pa sa klaripikasyon ng DOH, ang naturang mga test kit ay may mataas na kalidad at istandard, at walang anumang problema sa akurasiya o accuracy rate.

Sinabi pa ng DOH, na ang mga donasyong test kit ng Tsina ay kasalukuyan ngayong ginagamit sa mga laboratoryo ng Pilipinas, at nakatutulong nang malaki sa pagpapabilis sa proseso ng pagsusuri sa mga may sakit.

Mariing ipinahayag ng Embahadang Tsino, na ang mga test kit na pinatutungkulan ni Vergeire ay HINDI DUMAAN sa pagsusuri ng RITM, HINDI NATANGGAP ng RITM para suriin, at HINDI RIN OPISYAL NA DONASYON mula sa pamahalaang Tsino.

Ang pangyayaring ito ay nagkaroon ng katulad na resulta sa iba pang bansang gaya ng Espanya, Netherland, etc.

Ilang beses ding napatunayan sa maraming bansa, na ang mga donasyon ng Tsina ay mabisa at mapagkakatiwalaan.

Sa isyu naman ng pagtatago ng tunay na bilang ng mga namatay at nagkasakit, ilang beses nang sinabi, ng mismong WHO na ang mga hakbangin ng Tsina ay maliwanag, transparent at siyang tanging tumpak na paraan upang mapuksa ang epidemiya, at dapat itong tularan ng iba pang bansa sa daigdig.

Ito ay ipinahayag ng WHO matapos nilang magpadala ng grupo ng mga eksperto sa Tsina upang suriin ang mga proseso at detalyeng ginagawa ng bansa kaugnay ng epidemiya.

Sa palagay ko naman, mas kapani-paniwala ang mga siyentipiko ng WHO kaysa sa mga politiko at kung sinu-sino lamang sa social media na nagpapakalat ng maling impormasyon at conspiracy theory; hindi po ba?

Sa isyu naman ng pagtulong upang makontrol ang mundo, Ito ay isang maliwanang na paranoia lamang ng mga naiinggit at may maliwanag na politikal na adiyenda.

Magmula ng sumiklab ang epidemiya, walang-humpay na nagbibigay ng mga mask, test kit, ventilator, at personal protective suit ang Tsina sa 120 bansa at 4 na internasyonal na organisasyon ng daigdig.

Dagdag pa riyan, wala ring tigil ang Tsina sa pagbabahagi ng kaalaman at karanasan sa mahigit 100 bansa at rehiyon ng daigdig sa pamamagitan ng 30 video conference.

Ipinadala rin ng Tsina sa mga bansang gaya ng Pilipinas, Iran, Iraq, Italya, Serbia, Cambodia, Pakistan, Laos at Venezuela ang mga grupo ng ekspertong medikal upang labanan ang COVID-19.

Nang ang Tsina ay nangangailangan ng tulong, maraming bansa ang sumaklolo: ngayon ang Tsina naman ang nagbibigay at magbibigay ng tulong sa lahat.

Ito ay isang matandang kaugalian ng Tsina, na nagpapakita ng malalim na pagtanaw ng utang na loob, pagkakaibigan at komong responsibilidad para itayo ang mas magandang kinabukasan para sa buong sangkatauhan.

Walang anumang heopolitikal na adiyenda ang Tsina sa pagtulong sa kapuwa.

Ang pagtulong sa kapuwa ay kultura ng Tsina, at komong responsibilidad ng anumang bansa sa mundo, sa panahon ng krisis.

Napapanahon na para itigil ng mga paranoid na kritiko ang pamumulitika at pagbaluktot sa pagtulong ng Tsina sa mundo.

Ang kanilang mga nakasusulasok na komento ay pawang walang saysay, palipad-hangin, at nakakasama sa pagakakaisa ng mundo sa paglaban sa epidemiya.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>