|
||||||||
|
||
Samantala, bilang pasasalamat sa kapitan, idinaos ng mga marino ang seremonya ng pagpapaalam, habang papaalis ng bapor si Corzier nitong Abril 3.
Marso 30, 2020, isang liham ang ipinadala ni Crozier sa hukbong pandagat, at sinabi niyang mahigit 100 marino sa kanyang aircraft carrier ang nahawahan ng COVID-19.
Aniya, hindi niya kayang pigilin ang pagkalat ng sakit.
Humingi siya ng pahintulot sa hubkong pandagat, para alisin sa bapor ang lahat ng mga nasabing marino at isailalim sa kuwerantina.
Pero, hindi pinansin ng lideratong kinabibilangan ni Pangulong Donald Trump ang kahilingan ni Crozier.
Pagkaraang maibunyag sa media ang pangyayaring ito, sapilitang inilabas ng Pentagon ang mga hakbangin bilang pagharap sa epidemiya sa USS Theodore Roosevelt, na gaya ng pagsasagawa ng virus test sa mga marino.
Kasabay nito, inalis sa tungkulin si Crozier, sa katuwirang kawalang propesyonalidad sa pagtupad ng tungkulin.
Ang pagtiwalag kay Crozier ay nagresulta sa galit at puna ng opinyong publiko ng Amerika.
Sinabi ng isang artikulo sa pahayagang New York Times, na ibinuwis ni Crozier ang kanyang karera sa hukbong pandagat, para humingi ng tulong habang kumakalat ang COVID-19 sa kanyang bapor.
Sinabi naman ng isang netizen sa social media, na ang pangulong nagkuwaring may bone spur para iwasan ang paglilingkod sa hukbo ang nagtiwalag sa kapitan na ang nais lamang ay protektahan ang kanyang mga tauhan mula sa isang nakamamatay na sakit. Malinaw na kung sino ang dapat alisin sa tungkulin.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |