|
||||||||
|
||
Kabilang dito, ang pandemiya sa Europa ay nagresulta sa mahigit 580 libong kumpirmadong kaso.
Samantala, inilabas ng pamahalaan ng Espanya ang plano ng pagpapalawig sa state of emergency sa buong bansa hanggang sa hatinggabi ng Abril 25.
Ayon naman sa bagong kautusan ng punong ehekutibo ng Lombardy, Italya, mula Abril 5 hanggang Abril 13, dapat magsuot ng maskara sa labas ng bahay ang lahat ng mga residente sa administrative region na ito.
Samantala, dumating kahapon sa London ang isang cargo flight ng mga kagamitang medikal na binili ng pamahalaang Britaniko mula sa Tsina, na kinabibilangan ng ventilator, maskara, medical glove, at iba pa.
Sinabi naman ng Ministri ng Kalusugan ng Pransya, bumili na ng halos 2 bilyong maskara ang Pransya mula sa Tsina.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |