Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CMG Komentaryo: Mike Pompeo, "isa sa pinakamasamang Kalihim ng Estado sa kasaysayan ng Amerika:" di-makontrol na ambisyon, dapat talikdan

(GMT+08:00) 2020-04-06 16:51:13       CRI

Ayon sa ipinalabas na komentaryo kamakailan ng The Washingtong Post, "Simula noong Ika-2 Digmaang Pandaigdig, wala pang naging kalihim ng estado ng Amerika na kasing sama ni Mike Pompeo. Dahil sa kanyang mga hakbang kaugnay ng epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), siya ay naging isa sa mga pinakamasamang Kalihim ng Estado ng Amerika."

Sa kasaysayan ng Amerika, marami ang mga dakilang Kalihim ng Estado, na kinabibilangan nina Thomas Jefferson noong panahon ng pagtatatag ng Amerika, Henry Alfred Kissinger na nagbigay ng ambag para sa pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Amerika at iba pa.

Pero, sa termino ng panunungkulan ni Pompeo, bumulusok paibaba ang reputasyong itinatag ng mga dating Kalihim ng Estado ng Amerika.

Dahil sa pagsisinungaling, panlilinlang at pagnanakaw ni Pompeo, ang diplomasiya ng Amerika ay tumalilis sa baku-bakong daan.

Dahil kay Pompeo, umasim ang relasyon ng Amerika, Tsina, at Rusya; at naging di-kanais-nais din ang relasyon ng Amerika sa mga bansang kanluranin.

Sa panunungkulan ni Pompeo, tumatahak ang Amerika sa landas ng unilateralismo.

Matapos sumiklab ang epidemiya, tinawag ni Pompeo ang COVID-19 bilang "Wuhan Virus," at tinangka niyang ilagay ang "Wuhan Virus" sa pahayag ng pulong ng mga Ministrong Panlabas ng G7.

Ito ay malinaw na indikasyon, na sa kanyang paningin, ang epidemiya ay hindi madilim na pangyayari, at ito ay kasangkapan upang magtamo ng bentaheng pulitikal.

Sa kasalukuyan, lampas na sa 1.13 milyon ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo, at lampas din ng 330,000 ang kumpirmadong kaso sa loob ng Amerika.

Si Pompeo ay "isa sa pinakamasamang Kalihim ng Estado ng Amerika," at nararapat niyang talikdan ang di-makontrol na ambisyon.

Salin:Sarah

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>