|
||||||||
|
||
Sinabi sa Beijing nitong Linggo, Abril 5, 2020 ni Mi Feng, Tagapagsalita ng Pambansang Komisyong Pangkalusugan ng Tsina, na ayon sa pinakahuling sirkular ng World Health Organization (WHO), lampas na sa isang milyon ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.
Diin niya, ang pagkalat ng epidemiya sa ibayong dagat ay nagbunga ng presyur sa mga lunsod na sentro ng empleyo.
Dapat aniyang panatilihin ang lakas ng pagpigil at pagkontrol sa epidemiya, at mahigpit na pangasiwaan ang iba't ibang aspektong gaya ng pagsusuri sa pagpasok sa bansa, paglilipat ng mga tauhan, kuwarentenas na medikal, pagpigil at pagkontrol sa epidemiya sa mga kapitbahayan at iba pa.
Isinalaysay ni Mi na noong Abril 4, bumaba sa di-kukulanging 300 ang umiiral na kasong lokal na nasa kritikal na kondisyon sa bansa, at wala pa sa 700 ang mga kumpirmadong kasong lokal.
Napakalinaw aniya ng bunga ng paggagamot.
Dagdag niya, ang pambansang grupong medikal sa mataas na antas ay nakatalaga pa rin sa Wuhan, upang gumawa ng espesyal na plano sa paggamot ng bawat pasyenteng nasa kritikal na kondisyon, at pataasin ang cure rate.
Salin: Vera
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |