|
||||||||
|
||
Bumisita Miyerkules, ika-8 ng Abril, 2020 sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Muntinlupa City ang Chinese Anti-epidemic Medical Expert Team para makipagpalitan ng mga karanasan hinggil sa paglaban sa COVID 19 sa mga Pilipinong doktor.
Ibinahagi muna sa Chinese medical team ng mga dalubhasa ng RITM ang proseso nila sa pagtanggap at panggagamot sa mga may sakit ng COVID 19. Ipinakita rin nila ang kakayahan ng laboratory nito sa pagmomonitor at pagtest sa COVID 19.
Ibinahagi naman ng mga dalubhasa ng Chinese medical team ang karanasan ng Tsina sa pagmonitor at pagtest sa COVID 19 at mga desinyo ng hospital para sa paglulunas ng mga nahawa ng virus.
Bukod dito, sinagot ng mga daluhasang Tsino ang mga tanong hinggil sa paggamot sa respiratory symptoms, paggamit sa test kits ng COVID 19, at konsultasyon sa mga nagkasakit.
Ulat ni Ernest Wang
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |