Ipinatawag kahapon, Martes, ika-7 ng Abril 2020, sa Beijing, ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang pulong ng Konseho ng Estado, kung saan itinakda ang mga hakbangin ng pagpapatatag ng kalakalan at pamumuhunang panlabas, sa harap ng epidemiya ng COVID-19.
Iniharap sa pulong ang mga hakbanging gaya ng pagtatayo ng 46 na integrated pilot zones para sa cross-border e-commerce, pagsuporta sa kalakalan ng pagpoproseso, pagdaraos ng online Canton Fair o China Import and Export Fair, at iba pa.
Salin: Liu Kai