|
||||||||
|
||
Kasalukuyang nagbabahagi ang grupo ng dalubhasang Tsino sa Myanmar ng mga karanasan sa pagpigil ng epidemiya ng Corona Virus Diseass 2019 (COVID-19) sa mgs doktor sa Myanmar. Nagpapalitan ang dalawang panig ng impormasyon hinggil sa pagbibigay-lunas, pagkontrol ng epidemiya at iba pang aspetong medikal, at isinasagawa rin ang pagsasanay sa mga kinauukulang tauhan.
Isinalaysay Abril, 9, 2020, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang kalagayan ng grupong medikal na ipinadala ng Tsina sa Myanmar sa regular na presscon sa Beijing.
Sinabi niya na dumating Abril 8 ng Yangon, Myanmar ang 12 kataong grupo ng dalubhasang Tsino. Dala nila ang mga materyal na medikal na mula sa Tsina.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |