Binatikos kamakailan ng Amerika ang World Health Organization(WHO) hinggil sa mg naging desisyon nito. Ipinahayag naman Abril 8, 2020, ni Antonio Guterres, Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN) na napakahalaga ng WHO para sa pagtatagumpay ng laban sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Hinggil dito, ipinahayag Abril 9,2020, ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na buong tatag na susuportahan ng Tsina ang WHO na patuloy na nagsasagawa ng namumunong papel sa kooperasyong pandaigdig sa paglaban sa COVID-19. Binigyan-diin niya na tututulan ng Tsina ang anumang pagsasapulika at stigmatisasyon ng epidemiya. Mahigpit na kinondena ng Tsina ang pagbatikos ni Trump kay Tedros Adhanom Ghebreyesus, Pangkalahatang Kalihim ng WHO.
Salin:Sarah