|
||||||||
|
||
Idinaos Abril 9, 2020 ng Tsina at mga miyembro ng League of Arab States (LAS) ang unang video meeting ng mga dalubhasang medikal. Nagpalitan ang dalawang panig ng mga palagay hinggil sa isyu ng epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Magkakasamang lumahok sa naturang pulong ang mga dalubhasang medikal ng Tsina, at mga namamahalang tauhan mula sa Ministring Panlabas ng Tsina, National Health Commission ng Tsina, Ministri ng Siyensiya at Teknolohiya ng Tsina, Center For Disease Control and Prevention ng Tsina at iba pang may kinalamang departamento.
Lumahok si Haifa Abu-Ghazaleh, Asistenteng Pangkalahatang Kalihim sa mga Suliraning Panlipunan ng LAS, mga opisyal at dalubhasang medikal ng 14 miyembro ng LAS at kinatawan ng WHO na namamahala sa rehiyong Silangang Mediterranean at iba pang tauhan.
Sa pulong, ibinahagi ng mga dalubhasang Tsino ang karanasan sa pagkontrol ng COVID-19, malalim na nagpalitan ang dalawang panig hinggil sa kasalukuyang kalagayan.
Salin:Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |