Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

3 variant ng COVID-19 virus natuklasan ayon sa pananaliksik sa COVID-19 virus na ginawa ng mga siyentista

(GMT+08:00) 2020-04-11 10:36:29       CRI
Natuklasan ng mga siyentista mula sa Britanya at Alemanya ang 3 variants ng COVID-19 virus.

Ayon sa resulta ng pananaliksik sa pinanggalingan ng COVID-19 virus at pagkalat nito sa daigdig na inilabas kamakalawa, Huwebes, ika-9 ng Abril 2020. Ginawa ang pananaliksik batay sa 160 genome na kinuha sa iba't ibang lugar ng daigdig mula noong Disyembre 24, 2019 hanggang Marso 4, 2020.

Ang unang uri na "Type A" ay pinaniniwalaang original strain ng virus, na pinakamalapit sa virus na natuklasan sa mga pangolin at paniki. Sa 33 may-sakit ng uring ito sa pananaliksik, 18 ang galing sa Tsina at mga nakapaligid na bansa, at ang nalalabi naman ay mula sa Amerika at Australya.

Ang "Type B" ay mutation ng "Type A." Karamihan sa mga may-sakit sa Silangang Asya ay nahawa sa uring ito ng virus.

Pagkatapos, ang "Type B" ay nagbago at naging "Type C," na natuklasan, pangunahin na, sa mga may-sakit sa Europa.

Ipinalalagay din ng mga siyentista, na ang unang pagkahawa ng COVID-19 virus sa mga tao ay naganap sa pagitan ng kalagitnaan ng Setyembre hanggang unang dako ng Disyembre ng 2019.

Ang nabanggit na pananaliksik ay ginawa ng mga siyentista ng University of Cambridge ng Britanya, University of Kiel ng Alemanya, German Institute of Forensic Genetics at Fluxus Technology and Lakeside Healthcare sa Britanya. Ang ulat naman ay inilabas sa Proceedings of the National Academy of Sciences.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>