|
||||||||
|
||
Ayon sa datos ng Johns Hopkins University ng Amerika, hanggang 16:30, Abril 11 (Eastern Standard Time, EST) 2020, pumalo sa 522,286 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Amerika, at 20,283 ang kabuuang bilang ng mga nasawi. Dahil dito, nalampasan na ng Amerika ang Italya sa pagiging bansang may pinakamaraming namatay dahil sa epidemiya.
Samantala, inaprobahan, kahapon ni Pangulong Donald Trump ng Amerika ang pagpasok ng estadong Wyoming sa "major disaster status." Lahat ng 50 estado ng Amerika at 4 na teritoryo sa ibayong dagat na kinabibilangan ng United States Virgin Islands, Northern Mariana Islands, Guam, at Puerto Rico, ay mayroon nang "major disaster status," at ito ang unang pagkakataon sa kasaysayan ng Amerika.
Ayon sa "New York Times," ipinahayag kamakailan ng sirkulong medikal ng Amerika na hindi isinasagawa ng pamahalaang Amerikano ang tamang estadistika tungkol sa bilang ng namatay dahil sa COVID-19. Mas maliit ang bilang na inilalathala ng Amerika kaysa sa tunay na bilang na bilang ng mga apektado, anang pahayagan.
Salin: Lito
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |