Ayon sa estadistikang inilabas ngayong araw, Martes, ika-14 ng Abril 2020, ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, noong nagdaang Marso, 2.45 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng kalakalang panlabas ng bansa, at bumaba ito ng 0.8% kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon. Ang bilang na ito ay mas mabuti kaysa pagtaya ng pamilihan.
Samantala, kung ihahambing sa karaniwang datos ng kalakalang panlabas noong nagdaang Enero at Pebrero, ang bahagdan ng pagbaba noong Marso ay mas maliit nang 8.7%. Ito rin ay palatandaang bumubuti ang kalagayan ng pagluluwas at pag-aangkat ng Tsina.
Salin: Liu Kai