|
||||||||
|
||
Sinabi ngayong araw, Martes, ika-14 ng Abril 2020, sa Beijing, ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na sa harap ng COVID-19, dapat palakasin ng mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations, Tsina, Hapon, at Timog Korea (ASEAN Plus Three) ang ideya ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan, at patatagin ang determinasyon sa pagkakaisa at pagtutulungan.
Winika ito ni Li sa kanyang paglahok sa pamamagitan ng video link sa Espesyal na Summit ng ASEAN Plus Three tungkol sa COVID-19, na idinaos sa porma ng video conference.
Dagdag niya, kumpleto at may pagkokomplemento ang industrial chain at industrial division ng mga bansa ng ASEAN Plus Three, at nagkakaroon din ang mga bansa ng karanasan at mekanismo para sa pagtutulungan sa harap ng krisis.
Sinabi ni Li, na dapat patingkarin ang positibo at espesyal na papel ng ASEAN Plus Three sa pagharap sa hamong dulot ng COVID-19 at pagpapanumbalik ng pag-unlad ng kabuhayan. Ito aniya ay para matamo ang tagumpay sa paglaban sa COVID-19 sa Silangang Asya, at palakasin ang kompiyansa ng rehiyong ito at komunidad ng daigdig.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |