|
||||||||
|
||
Ito ay ipinatalastas ngayong araw, Martes, ika-14 ng Abril 2020, ni Premyer Li Keqiang ng Tsina sa kanyang paglahok sa pamamagitan ng video link sa Espesyal na Summit ng ASEAN, Tsina, Hapon at Timog Korea (ASEAN Plus Three) tungkol sa COVID-19, na idinaos sa porma ng video conference.
Ipinahayag ni Li ang pagsuporta ng Tsina sa pagtatatag ng ASEAN ng espesyal na pondo laban sa COVID-19. Magbibigay aniya ang Tsina ng tulong dito, sa pamamagitan ng China ASEAN Cooperation Fund at ASEAN Plus Three Cooperation Fund.
Iniharap din ni Li ang mungkahi ng panig Tsino hinggil sa pagbuo ng pangkagipitang reserba ng ASEAN Plus Three ng mga kagamitang medikal, bilang garantiya ng mga materyal para sa paglaban sa COVID-19.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |