Sa kanyang paglahok sa pamamagitan ng video link sa Espesyal na Summit ng Association of Southeast Asian Nations, Tsina, Hapon at Timog Korea (ASEAN Plus Three) tungkol sa COVID-19, na idinaos ngayong araw, Martes, ika-14 ng Abril 2020, sa porma ng video conference, iminungkahi ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na buksan ang "fast-track lane" sa pagitan ng mga bansa ng ASEAN Plus Three, para sa pagsasagawa ng kani-kanilang mga tauhan ng mahalaga at kinakailangang biyahe sa aspekto ng komersyo, lohistika, produksyon, at serbisyong panteknolohiya.
Ani Li, sa kondisyon ng pagpapatupad ng mga hakbangin ng pagpigil at pagkontrol sa COVID-19, ang ganitong hakbangin ay makakabuti sa pagpapanatili ng kinakailangang daloy ng mga tauhan at paninda, at pagpapatatag ng industrial at supply chain.
Salin: Liu Kai