Sa kanyang paglahok sa pamamagitan ng video link sa Espesyal na Summit ng Association of Southeast Asian Nations, Tsina, Hapon at Timog Korea (ASEAN Plus Three) tungkol sa COVID-19, na idinaos ngayong araw, Martes, ika-14 ng Abril 2020, sa porma ng video conference, iminungkahi ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na gamitin ang mga mekanismong gaya ng Chiang Mai Initiative Multilateralization at ASEAN Plus Three Macroeconomic Research Office, para palakasin ang pagkahanda sa mga krisis.
Ipinahayag din niya ang pagtanggap ng panig Tsino sa mungkahi ng Asian Infrastructure Investment Bank tungkol sa pagbuo ng COVID-19 Recovery Facility, na may inisyal na pondo ng 5 bilyong Dolyares.
Salin: Liu Kai