Dapat iwasan ng iba't ibang bansa ang pagsasapulitika ng kooperasyong laban sa pandemiya, ito ang naging pahayag sa Beijing nitong Lunes, Abril 13, 2020 ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, sa gitna ng malubhang banta sa sangkatauhan na dulot ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Suportado rin niya ang patuloy na pagpapatingkad ng World Health Organization (WHO) ng namumunong papel sa pandaigdigang kooperasyon sa pagpuksa sa pandemiya.
Noong Abril 12, sinabi ng Ministring Panlabas ng Rusya na ikinabahala nito ang paninisi ng ilang bansa sa ibang bansa hinggil sa pananagutan ng pagsidhi ng kalagayan ng epidemiya sa loob ng sariling bansa. Kaugnay ng pagbatikos ng lideratong Amerikano sa WHO, ipinalalagay ng panig Ruso na di-konstruktibo at di-angkop sa panahon ang kaukulang paninindigan ng panig Amerikano, at salungat ito sa komong mithiin.
Salin: Vera