Sa pag-uusap sa telepono nitong Martes, Abril 14, 2020 nina Wang Yi, Kasangguni ng Konseho ng Estado ng Tsina at Ministrong Panlabas ng bansa, at Sergei Lavrov, Ministrong Panlabas ng Rusya, ipinahayag ng una na dapat palakasin ng dalawang bansa ang pagkokoordinahan at pagtutulungan at iwasan ang di-maayos na paggalaw ng mga mamamayan nila para mapigilan ang panganib ng pagkalat ng virus at mapalakas ang gawain ng pagpigil at pagkontrol sa kanilang border o hanggahan.
Dagdag pa ni Wang, patuloy at buong tatag na susuportahan ng panig Tsino ang panig Ruso sa pakikibaka laban sa COVID-19 pandemic.
Ipinahayag naman ni Lavrov ang buong tinding pagtutol sa pagsasapulitika ng iilang bansa ng epidemiya at pagbabaling ng sisi at responsibilidad sa iba. Aniya, nakahanda ang panig Ruso na palakasin kasama ng panig Tsino, ang kanilang pagkokoordinahan at pagtutulungan para mapangalagaan ang komong kapakanan.
Nagpalitan din sila ng kuru-kuro tungkol sa mga suliranin ng United Nations (UN), isyu ng Afghanistan, at iba pang maiinit na usaping panrehiyon.
Salin: Lito