Sa panayam kamakailan sa China Global Television Network (CGTN), sinabi ni Zhong Nanshan, kilalang respiratory expert ng Tsina, na tama ang desisyon ng Tsina na suriin at ikuwarentina ang lahat ng mga tao mula sa ibang bansa.
Ito aniya ay kinakailangang hakbangin para sa pagpigil at pagkontrol sa COVID-19, kahit na nagdudulot ng ilang di-maginhawang situwasyon sa indibiduwal.
Dagdag ni Zhong, kapuwa mga dayuhan at Tsinong nag-aaral at nagtatrabaho sa ibang bansa, ay dapat sumailalim sa naturang hakbangin, pagkaraang dumating ng Tsina.
Ito aniya ay pantay, at walang pagkakaiba sa lahat.
"Ito ay isang mundo, isang laban," diin ni Zhong.