|
||||||||
|
||
Sinagot ng opisyal ng pamunuan ng paglaban sa COVID-19 ng Wuhan ang mga tanong ng media tungkol dito.
1. Bakit nirebisa ang mga bilang ng kumpirmadong kaso at namatay?
Ito ay batay sa Batas sa Pagpigil at Pagkontrol sa mga Nakahahawang Sakit, Regulations on Preparedness for and Response to Emergent Public Health Hazards, Batas sa Estadistika, Regulasyon sa Pagtatala ng Namatay na Populasyon, at iba pa.
May ilang dahilan kung bakit hindi agad nakuha ang tamang datos. Halimbawa, noong nagsisimula ang epidemiya, hindi tinanggap sa ospital ang ilang may-sakit at namatay sila sa sariling bahay. May di-kumpletong estadistika dahil sa labis na abalang takbo ng ilang ospital. At maling naitala ang datos sa ilang makeshift hospital.
2. Paano isinagawa ang pagrerebisa sa Wuhan?
Binuo ng pamunuan ng paglaban sa COVID-19 ng Wuhan ang grupong tagapagsiyasat, para muling mangalap ng impormasyon mula sa mga ospital, administrasyon ng purok panirahan, istasyon ng pulisya, kamag-anakan ng may-sakit, at iba pa, at magsagawa ng muling pagsusuri sa mga naitalang datos. Pagkaraan nito, nakuha ang nabanggit na rebisadong estadistika.
3. Ano ang rebisadong bilang ng kumpirmadong kaso sa Wuhan?
Ayon sa datos na nakalap hanggang hatinggabi ng Abril 16, natuklasan sa Wuhan ang 325 di-naitalang kumpirmadong kaso. Sa gayon, umabot sa 50,333 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso.
4. Ano ang rebisadong bilang ng namatay sa Wuhan?
Ayon sa datos na nakalap hanggang hatinggabi ng Abril 16, natuklasan sa Wuhan ang 1,290 di-naitalang namatay. Sa gayon, umabot sa 3,869 ang mga pumanaw.
5. Ano ang kahalagahan ng pagrerebisa sa mga bilang?
Ang pagpapalabas ng rebisadong numero ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa buhay. Sa pamamagitan nito, muli ipinahayag ang pakikidalamhati sa mga nasawi ng COVID-19 at pakikiramay sa kani-kanilang mga naiwang kapamilya.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |