Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Suporta ng Tsina sa WHO, pangangalaga sa multilateralismo

(GMT+08:00) 2020-04-19 11:13:46       CRI
Sa kanyang pakikipag-usap sa telepono, Sabado, ika-18 ng Abril 2020, kay Tedros Adhanom Ghebreyesus, Direktor Heneral ng World Health Organization (WHO), ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na sa kasalukuyang masusing panahon ng paglaban ng buong daigdig sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), hindi magbabago ang suporta ng Tsina sa WHO at direktor heneral nito.

Ani Wang, ang suporta ng Tsina sa WHO ay pangangalaga sa ideya at prinsipyo ng multilateralismo.

Ito rin aniya ay bilang proteksyon sa katayuan at papel ng United Nations (UN) at pagkakaisa ng komunidad ng daigdig sa harap ng naturang sakit.

Pinasalamatan naman ni Ghebreyesus ang Tsina sa tuluy-tuloy at matatag na pagsuporta.

Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagkakaisa sa paglaban sa COVID-19.

Dagdag ni Ghebreyesus, bamaga't umiiral ngayon ang pag-atake at paninirang-puri sa kanya at WHO, naniniwala siyang ang kasaysayan ang magbibigay ng makatarungang pagtasa sa kanyang gawain at buong organisasyon.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>