|
||||||||
|
||
Kaugnay nito, sinabi kamakailan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na sa mahirap na panahong ito, dapat magkaroon ng malakas na kalooban.
Dagdag niya, malaki ang saklaw ng kabuhayang Tsino, malakas ang resilience, at mayroon ding maraming potensyal.
Hindi nagbabago ang mga positibong elemento sa takbo ng kabuhayang Tsino, at pansamantala at makokontrol ang epektong dulot ng pandemiya, diin niya.
Tulad ng sinabi ni Xi, kasunod ng pagbuti ng kalagayan ng pagpigil at pagkontrol sa COVID-19, nagiging normal na ang kaayusan pangkabuhayan at lipunan sa buong Tsina, kahit sa lunsod ng Wuhan at lalawigang Hubei na malubhang apektado ng pandemiya.
Inilabas na rin ng pamahalaang Tsino ang mga hakbangin bilang pagsuporta sa pagpapanumbalik ng produksyon at operasyon ng industriya at negosyo.
Sa pamamagitan nito, muling lumilitaw ang mainam na tunguhin ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Tsina.
Makakabuti rin ito sa paghulagpos ng kabuhayang pandaigdig sa kahirapang dulot ng COVID-19.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |