|
||||||||
|
||
Sinabi ni Gita Gopinath, punong ekonomista ng International Monetary Fund, na mabuting napapanumbalik ang produksyon at operasyon ng industriya at negosyo sa Tsina, at binibigyang-tulong na pinansyal ng pamahalaan ang mga bahay-kalakal, pamilihan at pamilya.
Ang mga ito aniya ay makakatulong sa mabilis na pagbangon ng kabuhayang Tsino.
Ipinahayag naman ni Josh Frydenberg, Treasurer ng Australya, na tulad ng nagaganap sa iba pang mga bansa ng daigdig, apektado rin ng pandemiya ang kabuhayang Tsino.
Pero, sinabi niyang kitang-kita pa rin ang mga positibong elemento sa kabuhayang Tsino, gaya ng pagpapanumbalik na pagluluwas ng Australya sa Tsina.
Ipinalalagay ni Frydenberg, na ang mabilis na pagbangon ng kabuhayang Tsino ay magdudulot ng pagkakataon sa Australya.
Sinabi naman ni Jean-Pierre Raffarin, dating Punong Ministro ng Pransya, na bilang mahalagang bahagi sa kabuhayang pandaigdig, mahalaga ang restart ng kabuhayang Tsino.
Dahil dito aniya, muli ring nagkakaroon ng mga order ang mga kompanyang Pranses.
Ipinalalagay naman ni Guillermo Teillier, deputado ng mababang kapulungan ng Chile, na ang pagpapanumbalik ng produksyon ng mga bahay-kalakal sa Tsina ay mahalaga para sa kalakalang pandaigdig.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |