|
||||||||
|
||
Naglakbay-suri kahapon, Lunes, ika-20 ng Abril 2020, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, sa lalawigang Shaanxi sa hilagang kanlurang bahagi ng bansa.
Unang pinuntahan ni Xi ang Niubeiliang National Nature Reserve, na matatagpuan sa Qinling Mountains. Hiniling niyang palakasin ang proteksyong ekolohikal sa kabundukang ito.
Pagkatapos, dinalaw ni Xi ang Nayong Jinmi, para suriin ang kalagayan ng pagpawi ng kahirapan. Binigyang-diin niya ang mahalagang papel ng e-commerce para sa pagpapalakas ng pagbebenta ng mga produktong agrikultural, pagbibigay-tulong sa mga residenteng rural na makabangon mula sa kahirapan, at pagpapasulong sa pag-unlad ng kanayunan.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |