Ipinahayag kahapon, Martes, ika-21 ng Abril 2020, sa Beijing, ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na inilabas kamakailan ng Group of 77 (G77) at Tsina ang pahayag bilang paghanga sa namumunong papel ng World Health Organization (WHO) sa paglaban sa COVID-19 pandemic.
Ito aniya ay nagpapakita ng komong paninindigan at hangarin ng mga umuunlad na bansa.
Ayon pa rin kay Geng, kamakailan, ipinahayag din ng mga bansa at organisasyon, na gaya ng Pransya, Alemanya, Britanya, Kanada, Hapon, United Nations, at Unyong Europeo, ang pagsuporta sa patuloy na pagpapatingkad ng WHO ng mahalagang papel, para sa paglaban sa COVID-19 pandemic at pagpapalakas ng pandaigdig na sistemang pangkalusugan.
Salin: Liu Kai