Sinabi kahapon, Martes, ika-21 ng Abril 2020, sa Beijing ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na taliwas sa katotohanan ang ulat ng New York Times na nagsasabing ang pagtatayo ng Tsina ng mga dam sa itaas na bahagi ng Mekong River ay humantong sa tagtuyot sa mga bansa sa kahabaan ng ibabang bahagi ng ilog na ito.
Tinukoy ni Geng, na sa lingguhang ulat ng Sekretaryat ng Mekong River Commission, nakalakip ang siyentipikong konklusyon sa kasalukuyang tagtuyot. Aniya, ayon sa ulat, simula noong Mayo ng nagdaang taon, kakaunti ang pag-ulan sa kahabaan ng Lancang-Mekong River, at batay sa rekord ng mga hydrological station sa rehiyong ito, ang karaniwang bolyum ng ulan mula noong Hunyo hanggang Oktubre, 2019 ay mas mababa ng 20% hanggang 50% kumpara sa gayun ding panahon ng mga nagdaang taon.
Ginawa ng ulat ang konklusyong ang kawalan ng tubig ulan, abnormal na panahon ng tag-ulan, at malubhang El Niño ay mga pangunahing sanhi ng kasalukuyang tagtuyot sa kahabaan ng Lancang-Mekong River, diin ni Geng.
Salin: Liu Kai