Ipinahayag Abril 21, 2020, ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ipinadala noong Abril 17, ng Pirmihang Misyong Tsino sa United Nations ang diplomatic note sa Pangkalahatang Kalihim ng UN, na naglahad ng solemnang paninindigan ng Tsina at pagtutol sa ilegal na pag-angkin at maling paninindigan ng Biyetnam sa isyu ng South China Sea.
Isinalaysay ni Geng na sapul noong katapusan ng Marso 2020, ipinadala ng Pirmihang Misyon ng Biyetnam sa UN ang mga diplomatic notes sa Pangkalahatang Kalihim ng UN kaugnay ng pag-angkin nito sa ilang bahagi ng South China Sea at pagtanggi sa sobranya at karapatan ng Tsina sa nasabing teritoryo. Buong tatag na tinututulan ito ng Tsina, at iniharap na ang solemnang represantasyon sa Biyetnam.
Salin:Sarah