Ayon sa datos ng Johns Hopkins University ng Amerika, hanggang Abril 21, 2020 (Eastern Time), umabot sa 820,104 ang kumpirmadong kaso ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Amerika, at 44,228 ang namatay.
Iniutos din ni Pangulong Donald Trump ng Amerika nang araw ring iyon, sa preskon ng White House, na sa darating na 60 araw, pansamantalang ipagbabawal ng Amerika ang pagtanggap ng immigrants. Ayon kay Trump, ito ay naglalayong harapin ang paglaki ng unemployment rate na dulot ng epidemiya. Igagarantiya ng naturang patakaran ang pagkakaroon ng mas maraming pagkakataon para sa mga Amerikano na makahanap ng trabaho.
Salin:Sarah