Ipinaalam Abril 21, 2020, ng Departamento ng Seguridad na Iraq na isinabalikat ng maraming departamento ng pamahalaan, na kinabibilangan ng lupong panseguridad ng Iraq, Popular Mobilization Forces (PMF), mga organong kontra-terrorismo, at pulisya, ang 1,060 aksyong militar sa mga extremist organizations sa loob ng Iraq, at napatay sa opensiba ang 135 mga miyembro nito.
Sa sagupaan sa extremist groups, namatay ang 88 tauhan ng lupong panseguridad ng Iraq, at 174 ang nasugatan. Nasawi sa gitna ng labanan ang 82 mamamayan at 120 ang nasugatan.
Salin:Sarah